Itinalaga ng Malakanyang bilang Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary si Anna Mae Yu Lamentillo.

Kasalukuyang nangangasiwa si Lamentillo sa Information and Strategic Communications Division (ISCD) at International Cooperation Division (ICD) ng DICT, ang namamahala sa strategic communications and media ng ahensya kabilang na ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng ilang potensyal na partnership at cooperation, bukod sa iba pa.

Bilang Undersecretary, pamamahalaan ni Lamentillo ang mas maraming dibisyon sa departamento na layong isakatuparan ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-ugnayin ang digital divide at pagsulong ng e-governance.

“Much more needs to be done to accelerate digital connectivity and improve the government’s digitalization efforts. As Undersecretary of DICT, I hope to provide more support to Secretary Ivan John Uy in fulfilling the Department’s mandate. Improving our digital infrastructure and providing internet connectivity to all our communities means opening more opportunities for Filipinos to have a better life. While the task at hand will be greater, I am thankful for President Bongbong Marcos’ continued trust in me,” aniya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Si Lamentillo ang dating Build, Build, Build committee sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Duterte Administration.

Patuloy na ginagampanan nito ang parehong layunin sa ilalim naman ng Build Better More ng administrasyong Marcos, ngayon ay sa pamamagitan ng paghahatid ng digital connectivity sa mga komunidad.

Kilala rin ang bagong itinalagang opsiyal bilang may-akda ng "Night Owl", ang aklat na nagdedetalye ng mga nagawang imprastraktura ng Administrasyong Duterte.

Si Lamentillo ay nagtapos bilang cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños sa programang Development Communications, kung saan nakuha niya ang pinakamataas na general weighted average ng buong klase dahilan para tumanggap siya Faculty Medal for Academic Excellence.

Sunod na natapos niya ang kanyang Executive Education in Economic Development sa Harvard Kennedy School at ang kanyang Juris Doctor program sa UP College of Law.

Noong 2019, kinilala si Lamentillo bilang Women of Style and Substance ng People's Asia.