Kinontra ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang panawagan kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sumuko na ito kaugnay sa pagkakadawit umano nito sa pagpatay kay veteran broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

"I don't have an arrest warrant yet, but he is asking me to surrender. There is no subpoena yet. There is no preliminary investigation. Nothing yet. Why are they in a hurry? It's like they want to put me in jail already," himutok ni Bantag sa isang panayam.

Wala pa aniyang warrant of arrest kaya walang rason upang sumurender siya sa mga awtoridad.

Kabilang si Bantag sa kinasuhan ng murder dahil sa pagkakapaslang kay Lapid at sa umano'y "middleman" sa kaso na si Cristito Villamor Palaña o Jun Villamor.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kamakailan, tiniyak ng DOJ na maglalabas sila ng subpoena nitong Lunes, Nobyembre 14 laban kay Bantag, National Bilibid Prison (NBP) Supt. Ricardo Zulueta at sa apat na iba pa hinggil sa kaso.

Si Villamor ay itinuturo ni self-confessed gunman Joel Escorial na nag-utos sa kanya upang paslangin si Lapid.

Namatay si Villamor habang nakapiit sa NBP apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial.

Ayon kay Escorial, bago pa bawian ng buhay, ipinagtapat umano sa kanya Villamor na si Bantag ang isa sa nagpapatay kay Lapid.

Matatandaangpinagbabaril si Lapid sa kanyang kotse malapit sa BF Resort Village sa Las Piñas nitong Oktubre 3 ng gabi.