PANGASINAN - Pitong illegal fish pens ang winasak ng mga tauhan ng Task Force Bantay Ilog sa Dagupan City kamakailan.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod, bago ang isagawa ang demolisyon ay binigyan muna nila ng notice of violation ang mga may-ari at operator ng mga baklad nitong Biyernes.

Naiulat na pumirma ng waiver ang mga may-ari ng fish pen kung saan pinapayagan ang city government na gibain ang kanilang fish pen.

Ang mga binaklas na baklad ay nasa bahagi ng Barangay Bonuan Gueset, Pugaro-Suit at Salapingao, ayon kay City Agriculturist Patrick Dizon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinagawa ang demolition activities sa tulong na rin ng City Agriculture Office, Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Office, Dagupan Police Office, at Coast Guard.