Umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang Facebook post na nakapangalan kay dancer-choreographer na si "Anna Feliciano" na naglalaman ng paghahanap niya umano ng tatlong karagdagang "Wowowin" dancers, na may tumataginting na suweldong ₱70,000 kada buwan!

Mababasa sa anunsyo, "I need 3 more dancers for Wowowin. Send me your dance samples if interested. Stay-in/out @ Wil Tower. Mondays to Saturdays 7-8:30pm. 70k monthly."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nawindang naman ang mga netizen at kaniya-kaniyang komento rito.

"Wow, ngayon pa lang gusto ko nang mag-change of career hahaha."

"Mga besh, tara na't magpraktis nang sumayaw hahaha, ito na ang pagkakataon nating makaipon at makaahon sa lusak hahaha."

"Pagod na ako mag-Engineering parang gusto ko na lang gumiling-giling."

"How I wish Ms. Anna. It is my dream to be mentored by a very talented legend like you."

"Panahon na para lumipat sa wil tower si mama."

"Grabe mas malaki pa suweldo ng Wowowin dancers kaysa sa suweldo ng ibang work, particularly white collar jobs hahaha."

"Ito na ba ang senyales na need na mag-career change? Hahaha."

Samantala, nagpasalamat na lamang si "Feliciano" sa "suportang" natanggap niya.

"Nakakatuwa ang mga comments. Thank you sa warm support, mga nagreact and shares," aniya sa isa pang Facebook post.

Ngunit isang Wowowin dancer na nagngangalang "Jules Cruz" ang nagsabing hindi ito totoo. Aniya, poser lamang ni Feliciano ang gumawa ng anunsyong ito.

"Di po totoo 'yan. Poser po ni tita yung nagpopost po ng mga ganyan," aniya.

Bagay na sinegundahan naman ng totoong Anna Feliciano sa pamamagitan ng kaniyang Live, sa kaniyang totoong Facebook account na "Tita A. Feliciano".

Nilinaw ng dancer-choreographer na hindi totoo ang anunsyo dahil poser lamang niya ito. Noon pa man daw na nasa GMA Network pa ang Wowowin, ganito na ang ginagawa ng kaniyang poser, kaya nanawagan siya sa publiko na huwag basta-basta maniniwala.