Nagbigay ng reaksiyon si Senador JV Ejercito tungkol sa insidente ng pananapak ni JRU Heavy Bombers basketball player John Amores sa dalawang teammates ng College of St. Benilde Blazers sa kasagsagan ng kanilang laro para sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 noong Nobyembre 8.

Naging dahilan ito upang mapatawan siya ng indefinite suspension ng NCAA gayundin ng mismong paaralan niya. Bukod dito, balak umano siyang sampahan ng kaso kaugnay ng pananapak na kaniyang ginawa.

Nagbigay naman ng reaksiyon dito si Sen. JV sa pamamagitan ng kaniyang tweet noong Nobyembre 10.

"John Amores should be banned for life in any basketball league," ayon sa senador. Aniya, hindi raw magandang ehemplo si Amores sa kabataan, lalo na sa mga naglalaro ng basketball.

"What he did on court on an NCAA game is a bad impression on our youth."

"He should try UFC or boxing instead. Will be glad to be the first to spar with him at Elorde!🤣"

"Try the sweet science this time! 🥊."

https://twitter.com/jvejercito/status/1590493011506769920

Isang netizen naman ang nagkomento rito at sinabing sana rin daw, ganito rin ang gawin sa mga politikong may case history.

"Sana ma-ban din ang mga politikong may kaso. What they did 'is a bad impression on our youth'," sey ng netizen.

Tumugon naman dito ang senador at tila sumang-ayon.

"Why not?"

https://twitter.com/kotzallen_/status/1590540985112883200

Isang netizen naman ang nagsabing "Can we start with your bro?" na ang tinutukoy ay si Senador Jinggoy Estrada.

"Malinis po ang aking public service record. Research," tugon ng senador.

"Totally agree! Hopefully, even corrupt and plundering politicians!!! 🤞🤞."

"Not applicable to me," tugon naman ng senador.

https://twitter.com/jvejercito/status/1590607095325667330