Kahit tatlo ang injured player, pinadapa pa rin ng Boston Celtics ang Detroit Pistons, 117-108, sa Little Caesars Arena, Detroit, Michigan nitong Nobyembre 12 (Linggo sa Pilipinas).
Tampok sa pagkapanalo ng Celtics ang 43 puntos ng 6'8" na small forward na si Jayson Tatum, bukod pa ang 10 rebounds.
Sa nasabing laban, hindi naramdaman ng Celtics ang pagkawala ng tatlong leading-scorer nito na sinaJaylen Brown, Al Horford at Malcolm Brogdon.
Ito na ang ikalawang beses na pagkatalo ng Pistons sa kamay ng Celtics sa loob ng apat na araw.
Nakaabante pa ng dalawa ang Pistons sa first half bago gumanti ang Celtics sa pamamagitan ng ratsada ni Tatum sa second half matapos umiskor ng 28 puntos.
Nagpakawala rin ng sunud-sunod na tres si Tatum kaya nakuha ng koponan nito ang 106-97 bentahe hanggang sa matapos ang laban.
Taglay na ng Celtics ang rekord na 10-3, panalo at talo.
Agence France-Presse