Tila nagdulot ng "daga sa dibdib" ang cloud formation na naispatan ng mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Kanlaon sa Negros dahil sa kakaiba nitong mga korte o hugis.

Ayon sa uploader na si Gretchen Tanilo, inakala umanong ipo-ipo ang mga ito o tornado na maaaring makapinsala sa lahat. Napanatag at kumalamay naman ang kalooban ng mga residente nang mapagtantong kakaibang hugis lamang ito ng mga ulap sa papawirin.

Larawan mula sa FB ni Gretchen Tanilo

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Saad pa ng uploader na nagbahagi nito, agad niyang kinunan ng litrato ang langit nang mapansin ang kakatwang cloud formation, at kumalat na sa social media.

Batay naman sa Provincial Disaster Management Program Division ng Negros Occidental, isa lamang itong karaniwang cloud formation.