Sinagot na ng actor-singer na si Iñigo Pascual ang mga paratang ng netizens sa kaniya kung bakit wala man lamang daw siyang social media posts para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang ina.

Ayon sa Instagram story ng anak ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, hindi raw lahat ay dapat ipino-post o ibinabahagi sa social media.

"People asking why I didn't post for mom's bday," ayon sa text caption ni Iñigo sa litrato nila ng kaniyang ina.

"Why is that your business anyways?"

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Some of my best moments with my mom are off cam, and doesn't always have to be shared on social media."

"Social media doesn't know always need to know everything," giit ng singer-actor.

Iñigo Pascual at kaniyang ina (Screengrab mula sa IG)

Paliwanag pa niya, ang mom raw niya ang mas nakakakilala sa kaniya off-cam. Mas mahalaga raw kay Iñigo na alam naman ng kaniyang ina na mahal niya ito.

Iñigo Pascual at kaniyang ina (Screengrab mula sa IG)

Marami naman sa mga netizen ang tila sumang-ayon sa kaniya.

"Social media na pala basehan ng pagmamahal ngayon haha. Ako nga di ko friends parents ko sa Facebook at di ko sila binabati sa Facebook no! Pero greet sa personal with matching birthday card at may nakaipit na pera di ba mas bongga yun."

"Ako rin. Di ko binabati parents ko sa Facebook pag birthday nila. Mas maganda pag personal at saka ang weird kasi pag binati sa Facebook lalo na kung kasama mo naman sila sa bahay araw-araw."

"True. I never greet my family sa socmed. Maybe ako lang, but I cringe with the idea. One, kasama ko naman sila at laging kausap online. But we celebrate their birthdays where I can greet them especially my parents."