LAGUNA - Isang opisyal ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Laguna matapos mabigong tuparin ng kilusan ang mga pangako nito para sa kanyang pamilya sa loob ng 10 taon na pagiging rebelde.

Hindi na nagdalawang-isip ang 45-anyos na lalaking dating2nd deputy secretary for education ng Komiteng Probinsya, Provincial White Area Committee, na sumurender sa mga tauhan ng SanPedro City Police,Regional Mobile Force Battalion 4A, (RMFB 4A), Regional Intelligence Unit 4A (RIU 4A), Provincial Intelligence Unit-Laguna (PIU Laguna), at 202nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army nitong Nobyembre12 ng hapon.

Isinuko rin ng nasabing dating rebelde ang kanyang Cal. 38 revolver at mga bala nito.

Aniya, nagdesisyon siyang magbalik-loob sa gobyerno dahil hindi natupad ang pangakong "Suporta para sa Pamilya (Supamil) at madalas na pagkaantala ng mga gastos ng kilusan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Humihina na rin aniya ang suporta ng masa sa kilusan dahil sa isinusulong na pangmatagalang digmaang-bayan laban sa pamahalaan.

Dahil dito, nakatakdang tumanggap ng tulong pinansyal ang sumukong rebelde para sa kanyang pagbabagong-buhay, kapiling ang pamilya.