Ililibing na sa Lunes ang guro na nasawi sa nahulog na school bus sa Orani, Bataan kamakailan.

Sinabi ni Ariel Pontillas, kahit ihahatid na nila sa huling hantungan ang asawang si Janice Pontillas, guro ng Payatas B Elementary School sa Quezon City, wala pang desisyon ang pamilya nito kung kakasuhan pa ang driver ng naaksidenteng bus.

Sa ngayon, pansamantalang nakalaya ang driver na si Marcelino Oliva, 62, dahil wala pang inihaharap na reklamo ang pamilya ni Pontillas.

Kamakailan ay inihayag ng asawa ng nasabing guro na napatawad na niya si Oliva dahil aksidente lamang ang nangyari.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pauwi na sana Quezon City ang grupo ni Pontillas galing sa isang seminar sa isang resort sa Bataan nang maganap ang aksidente.

Matatandaang sinabi ni Oliva na nawalan umano ng preno ang minamanehong bus kaya dumiretso ito sa bangin sa pakurbadang Vicinal Road, Barangay Tala, Orani, nitong Nobyembre 5 ng umaga na ikinasawi ni Pontillas at ikinasugat ng 46 pang kasamahang guro.