ISABELA -- Ilang high school students at out-of-school youth ang nakiisa sa pagsasanay sa paggawa ng bamboo handicraft nitong unang linggo ng Nobyembre sa Brgy. Sto. Domingo, Quirino.

Ito'y sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela Provincial Office sa pamamagitan ng Shared Service Facility (SSF) Program nito.

Ang mga miyembro mula sa Asosayon ​​ng mga Kababaihan para sa Turismo at Kalikasan (AKAP) at Sierra Madre Integrated Farmers Association for Agro-Tourism (SINAG) ay nakiisa sa aktibidad upang maging benchmark sa skills training.

Ang skills training ay naglalayong buhayin ang mga aktibidad ng Qurinian Youth in Action (QYA) na Bamboo Handicrafts-Making matapos mapurnada ng Covid-19 pandemic.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Larawan mula Department of Trade and Industry (DTI) Isabela Provincial Office

Palalakasin din nito ang bamboo industry sa rehiyon para sa mga oportunidad sa kabuhayan at bilang suporta sa laban sa climate change.

Pinangunahan ni Benedick G. Bacud, isang highly-skilled leader ng QYA, ang pagsasanay na may layuning mapataas ang kasanayan ng mga kalahok mula sa wastong paghawak ng mga kagamitan hanggang sa pagdidisenyo ng mga handicraft na gawa sa kawayan.

 Ang grupo ay gumawa ng labintatlo (13) na natatanging dinisenyong mga produktong gawa sa kawayan tulad ng mga lamp, mug, coin banks, at wine holder.

Produktong kawayan ng Quirino, Isabela/Larawan mula DTI

Ang QYA ay isa ring benepisyaryo ng proyekto ng SSF ng DTI at umaasa na makilahok sa paparating na regional trade fair ngayong buwan upang ipakita ang mga produktong kawayan nito.

Ang skills training ay pinangasiwaan at pinangunahan nina Josa Beth R. Montereal, Jayron B. Corpuz, Michael Angelo Larugal, at Sarah Mendoza ng DTI Isabela.