Hindi mapigilang maging emosyonal ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang personal na matunghayan ang paghahabi ni Nana Magdalena, isang “cultural legend” ng Ilocos Norte at kilala sa kaniyang mga komplikadong disenyo sa loob ng ilang dekada.
Ito ang ibinahagi ng beauty queen kasunod ng kamakailang pagbisita sa probinsya ng Ilocos Norte para sa kaniyang “Raise Your Flag” series sa YouTube.
“I don't find myself welling up with tears for many things. But watching Nana Magdalena sitting at her loom, at the graceful age of 98...naiiyak ako,” mababasa sa Instagram post ni Catriona, Linggo.
Kinilala si Nana Magdalena ng National Commission for Culture and the Arts noong 2012 bilang National Living Treasure dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa kabuang kultura ng paghahabi sa rehiyon.
“Perhaps it was that I was in awe, of this woman who had dedicated her life to her craft. May mga designs si Nana Magdalena sa Abel that are her own, and are of such difficulty that only few can replicate,” ani Cat.
“Perhaps it's that, she shared with me, na yung paghahabi niya ay nagbibigay sa kaniya ng lakas. That even at her age, hinahanap ng katawan niya ang paghahabi,” pagpapatuloy na kuwento ng beauty queen.
Mula nang itanghal bilang Pinay Miss Universe noong 2018, isa sa mga patuloy na ginagampan at isinusulong na adbokasiya ni Cat ang pagmamalaki sa mga disenyong Pilipino.
Sa katunayan, sa pinakahuling event ng beauty queen sa Thailand, isang modern Filipiniana ang bitbit ni niya tampok ang tradisyunal na mga detalye sa naturang damit.
Kaya ganoon nalang karubdubin si Cat nang masaksihan ang matandang kultura sa harap mismo ni Nana Magdalena.
“Her hands have literally woven tradition...the hands of a national living treasure. 🥺🇵🇭 I'm so honored to have met her and witnessed her craft with my own eyes. Our pride, Nana Magdalena. Mabuhay ka,” pagtatapos ni Cat.
Ilang netizens naman ang nagpahayag ng pasasalamat sa beauty queen para sa patuloy nitong pagpapakilala sa makulay na tradisyon ng bansa gamit ang malawak na impuwensya.
“Your love for PH's culture and arts 🥺❤️❤️❤️”
“Thank you for sharing to the whole Universe such inspiring stories like this, queen Cat! 🤍”
“Continue to promote and raise our flag, Queen!🤍”
“Inabel or Abel Iloco is a handmade signature. Thank you for taking the time and saying yes to visit Ilocos Norte despite your political stand. Mabuhay ka!”
“Buhay pa ang kumot na tahi ng Abel na bigay sa akin ng aking sister in law who is from Ilocos region, maayos pa rin.”
“Ang linaw ng mata ni Lola so cute!”
“Thank you Queen@catriona_grayfor continuing your purpose and advocacy in showcasing & promoting the Philippines' Culture and Arts. ❤️🥺 Thank you so much for raising our Flagso high🇵🇭❤️ Also Kudos to Nana Magdalena ❤️👏👏.”
“Thank you for helping bring a light to this, Cat! Nana Magdalena is an absolute legend!! ♥️🇵🇭💫.”
Matutunghayan ang buong kuwento ng pagbisita ni Cat sa Ilocos Norte sa kaniyang YouTube channel.