Desidido si Bay Area Dragons import Myles Powell na iuwi ang kampeonato sa PBA Commissioner's Cup.

Ito ay kasunod ng pagkadismaya nito nang malamang hindi siya kuwalipikado na maging kandidato sa Best Import award.

Nasa 8-2 na ang rekord ng Dragons makaraang talunin ang NLEX Road Warriors, 118-98, sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Dahil sa naturang pagkapanalo, sigurado na ang kanilang puwesto sa quarterfinals ag Dragons.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Matatandaang si Powell ang nasa likod ng apat na sunod na panalo ng Bay Area sa pagpasok nito sa PBA bilang guest team.

Naputol lang ang kanilang winning streak nang talunin sila ng Ginebra, 111-93, nitong Oktubre 9.

Bukod sa Gin Kings, pinataob din ng Meralco Bolts ang Dragons nitong Nobyembre 4.

Pagkatapos nito, nagtuloy-tuloy na ang panalo ng Dragons. 

Sa pahayag naman ng pamunuan ng PBA, hindi puwedeng makakuha ng individual award ang mga manlalaro ng guest team alinsunod na rin sa patakaran ng liga.