Itinanghal na kampeon sa katatapos lamang na 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand ang walong taong gulang na si Bince Rafael Operiano mula Albay.

Naganap ang paligsahan nitong Nobyembre 4 hanggang 12, kung saan ay nasungkit ni Operiano ang gintong medalya.

Larawan: Benrose Operiano/FB

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa uploaded photo ni Benrose Operiano, si Kim Donghan ng South Korea ang nasungkit ng ikalawang pwesto; Tong Nguyen Gia Hung naman ng Vietnam ang pumangatlo; si Hen Jung Herng Kyan naman ay nakalusot sa ikaapat na pwesto; at pumosisyon naman si Sodbaatar Batsaikhan ng Mongolia sa ikalimang ranggo.

Ayon umano sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), magiging National Master (NM) ang status ni Operiano pagtungtong nito ng 10-taong gulang.

BASAHIN: 8-anyos chess prodigy, kakatawanin ang Pilipinas sa chess competition sa Thailand

Nito lamang Setyembre, nagwagi si Operiano sa National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals Boys Under 9 Category, na naganap sa Dapitan City Cultural Sports Complex, Zamboanga Del Norte.