Nag-plead ng “not guilty” sa tatlong kaso ng murder, frustrated murder, at car theft si Dr. Chao Tiao Yumol sa isang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 98 noong Biyernes, Nob. 11.

Ito rin ang iginiit na sakdal ni Yumol sa illegal possession of firearms at malicious mischief noong Agosto 2.

Si Yumol ang suspek sa pagpatay kay dating mayor Rosita Furigay ng Lamitan City, Basilan, executive assistant ni Furigay na si Victor Capistrano, at Ateneo de Manila University (ADMU) security guard Jeneven Bandiala sa insidente ng pamamaril sa isang law graduation ceremony sa ADMU noong Hulyo 24.

Nakaligtas sa pamamaril ang anak ni Furigay na si Hannah Rose Marian Furigay.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang arraignment ni Yumol ay ipinagpaliban noong Agosto 4 matapos i-claim ng kanyang mga abogado na si Yumol ay nagpakita ng mga senyales ng mental disorder at hiniling sa QCRTC na payagan siyang sumailalim sa isang agarang pagsusuri sa mental status.

Ito ay ipinagpaliban sa pangalawang pagkakataon noong Setyembre 16 dahil hindi pa tapos ang mental test ni Yumol.

Matapos sumailalim sa isang serye ng mga pagsusuri sa pag-iisip, idineklara ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Yumol ay angkop na manindigan para sa paglilitis nang magsumite ito ng medikal na ulat noong Okt. 24

Diann Calucin