Ito ang inanunsyo ng Miss Planet International Organization nitong Sabado kasunod ng pag-atras sa naturang beauty pageant ng ilan nang mga kandidata kabilang ang sana’y pambato ng Pilipinas na si Herlene Budol.

“Contrary to unconfirmed reports regarding the cancellation of the pageant, the show will go on as planned. Yes there has been a few challenges due to some delays beyond our control that led to program adjustments, but a lot of effort has been put to ensure that everything is streamlined and candidates are safe and sound,” ani Miss Planet International Director Monika Akech sa isang opisyal na pahayag.

Matatandaang ayon kay Wilbert Tolentino, parehong national director ng Miss Planet Philippines at talent manager ni Herlene, ilang aberya umano ng organisasyon kabilang na ang nagsipag-atrasang mga sponsors, bukod sa iba pa, ang kinaharap ng mga kandidata sa mga nakalipas na araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paglilinaw ng Miss Planet International ukol sa pagpapatuloy ng kompetisyon sa Uganda

Dagdag pa nito, tila wala ring balak na tumulong umano ang gobyerno ng Uganda kaya’t napagpasyahan na lang ng kanilang team na umatras na sa kompetisyon, dagdag ni Wilbert na aminadong dismayado sa naging kinahantungan ng ilang buwang preparasyon, pera at higit sa lahat, oras.

Basahin: Herlene Budol, hindi na magpapatuloy sa Miss Planet International 2022 pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagisisiguro naman ng organisasyon, titiyakin nilang hindi na muling mapupurnada ang pananatili ng mga kandidata sa Uganda.

Nakatakdang ganapin ang Miss Planet International sa Nob. 19.