Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagkakapareho daw ng bahay-kubo na makikita sa isang eksena nang patok na teleserye ngunit magtatapos nang "2 Good 2 Be True" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, at ang trending at on-going na "Maria Clara at Ibarra" na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.
Sa eksena sa 2G2BT, dito umano dinala nina Ali (Kathryn) at Eloy (Daniel) si "Lolo Sir" na ginagampanan ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez.
Habang sa MCAI naman, ito ang bahay-kubo ni Sisa na ginagampanan ni Andrea Torres, na ilang araw ding naging trending dahil sa kaniyang mahusay at mabisang pagganap sa kaniyang papel.
Pinagtatalunan ngayon ng mga die-hard fans na Kapamilya at Kapuso sa iba't ibang Facebook pages kung anong show ang naunang gumamit sa naturang bahay-kubo.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Nasa Pilipinas lang tayo, ano ba problema kung same location? Mahalaga maganda pinapanuod. Pilipino nga naman… only in da Philippines, dami isyu."
"Haha nakakalungkot lang isipin, na iisa lang ang ating bayan parehos tayo mga Pinoy pero mismo Pinoy ang nakikipagtalo sa kapwa niya Pinoy."
"Big deal ba talaga na same location, same bahay?"
"Ehem, medyo nauna po kasi ang 2g2bt diyan, eh tapos na nga di ba so nauna silang mag-shooting diyan, eh ang MCAI kakaumpisa pa lang… isip-isip din po kung may isip po kayo."
"Haha ang tanong naman, bakit 'yan ang ginawang location ng dalawa ehh para naman kasing malayo sa kanilang serye ung naging last location… hindi mai-connect, puwera na lang kung talagang sinadya nila para maikumpara at mapag-usapan…"
"Hindi mukhang kawawa ang MCAI dahil kumikita Ito. Hindi tinipid. Hindi puro ordinaryong kuwentuhan lang. Hindi paikot-ikot ang kuwento di tulad ng ibang serye na paikot-ikot para tumagal."
"Napakalaking big deal sa Kapuso fan pages kasi puro pagkukumpara both network Hindi ba puwedung maging masaya na lang lahat di ba… sa same location naman ang issue wala pang kubo diyan na talaga nag-shooting ang 2 good 2 be true sa madaling salita mas naunang mag shooting ang 2 good to be true."
"Pinagka-clash n'yo lang ang mga tv networks. Anong problema sa magkaparehong site ang pinagshootingan as long as magkaiba ang script at magkaiba ang plot ng palabas at title nito okay lang yun. Parehas na magandang palabas. Walang dapat punahin."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang kampo hinggil dito.