Pagbabahagi ni KaladKaren, marami ang nagduda pa rin sa kaniyang kakayahan matapos unang makilala dahil sa isang viral video limang taon na ang nakalipas.

Matatandaan ang patok na panggagaya ng Jervi Ryan Lisaba, sa tunay na buhay, kay Karen Davila habang nagbabalita sa gitna tinatawid na ilog noong 2017.

“That was me five years ago. Diyan po ipinanganak si KaladKaren. Ang bilis ng mga panahon no. Although that a lot of opportunities and doors for me, aba’y syempre, marami rin pong hindi naniwala sa akin,” pagbabahagi ng ngayo’y judge, host at certified online influencer.

“Sabi nila: ‘Fifteen minutes of fame mo lang yan,’ ‘Hanggang dyan ka lang,’ ‘Hindi ka sisikat.’ Eh hindi naman ako sikat at hindi ako superstar,” dagdag ni KaladKaren.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunpaman, proud aniya si Karen sa mga narating ng kaniyang karera mula nang unang madiskubre ng publiko.

“Pero to be honest with you, I am very proud of what I have achieved from that day until today,” aniya.

Kaya naman may baon na paalala ang Drag Race Philippines judge sa kaniyang followers nitong Biyernes.

“I’m sure marami rin sa inyo ang nakakaramdam na underestimated, sometimes you doubt yourself kung kaya niyo ba talaga ang ginagawa sa career niyo,” pagsisimula niya.

“Alam niyo, dedma na sasabihin ng iba. Just focus on your goal and do whatever it is that makes you happy. At naniniwala po ako na kahit ano mangyari there’s always a place for the one that’s good,” anang sikat na Transpinay.

“So laban lang nang laban mga dear. One day magbubunga rin ang lahat ng pinaghirapan niyo. So do you and take pride of what you do,” pagtatapos niya.

Matapos ang limang taon, isa nang ganap na personalidad sa showbiz industry si KaladKaren.

Madalas na siyang suki bilang hurado sa ilang programa kagaya ng “It’s Showtime,” at ang kamakailang matagumpay na unang season ng Drag Race Philippines.