Hindi na nakaarangkada ng Terrafirma Dyip nang pataubin ito ng NorthPort Batang Pier, 91-85, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Sabado ng gabi.

Nagawa pang makaabante ng Dyip, 44-31 sa kaagahan ng second quarter kasunod ng buslo ni Juami Tiongson bago nila makuha muli ang bentahe, 55-45, pagkatapos ng nasabing yugto.

Gumanti naman sa second half ang Batang Pier kung saan kumubra sila ng 27 puntos, kumpara sa 14 puntos ng Dyip sa final period.

Hawak na ngayon ng NorthPort ang 5-5 rekord habang bumaon sa 0-9 ang baraha ng Terrafirma.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Kabilang sa rumatsada sa Batang Pier siArvin Tolentino nang kumubra ng 31 puntos, 12 rebounds at tatlong steals habang si William Navarro ay naka-12 puntos, pitong rebounds at isang assist.

Hindi rin nagpahuli ang kakampi nilang si Robert Bolick sa naipong 12 puntos, 10 assists at pitong rebounds.