Itinanghal na grand winner sina Billy Crawford at ang partner na si French dancer Fauve Hautot sa grand finals ng "Danse avec les stars (Dance With The Stars)" sa France, na naganap nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 11 sa naturang bansa, at Sabado naman ng umaga dito sa Pilipinas ngayong Nobyembre 12.

Mahigpit na nakalaban ng magkapareha ang 17 anyos na French singer at siyang Fourth Placer naman sa "The Voice Kids France 2018" na si Carla Lazzari, subalit sa huli ay nanaig pa rin ang pambato ng Pilipinas.

Mababasa sa Instagram post ni Billy ang kaniyang maigting na pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya simula Day 1. Inialay niya ang tagumpay sa Diyos at sa kaniyang mag-inang sina Coleen Garcia at Baby Amari.

"TO GOD BE THE GLORY! Tonight is for You, Father! 🙏," ayon sa caption ni Billy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"And to all who supported me on this amazing journey, THANK YOU ALL."

"My love @coleen my angel of a son Amari."

Bukod sa kaniyang mag-iina, alay rin ni Billy ang natamong parangal sa kaniyang mga kapwa kalahok, mga magulang, sa French republic, at sa mga kababayan sa Pilipinas.

"Production, @dals_tf1, my amazing new sister @fauvehautot all the crew, all my co contestants, my country, my parents and most of all thank you to the French public who has been there for me for more than 20 years. I’m very emotional today since it’s the last day."

"From the bottom of my heart, I love you all. Praise Jesus! And keep on trackin’ with me 😉"

Simula pa lamang ng kompetisyon ay naging matunog na ang pangalan ni Billy, kaya nga tinawag siyang "Billy The Favorite" dahil lagi siyang pinupuri ng mga hurado, bukod pa sa crowd favorite talaga siya.

Nakakuha si Billy ng 53.5% mula sa public vote habang ang mahigpit na katunggaling si Carla ay 46.5% lamang.

Sinayaw ni Billy ang paborito niyang contemporary dance sa tugtog ng "L’Enfer de Stromae." Naging emosyunal pa siya matapos ang pagsayaw at hinalikan ang sahig.

Sa comment section ng IG post ay mababasa ang pagbati ng mga kaibigan at kasamahang celebrity sa showbiz industry gaya na lamang nina Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, at marami pang iba.

Congrats, Billy! Tunay kang nakaka-proud!