Halos pumalakda na sa sahig matapos matapilok sa gitna ng isang fashion show ang TikTok star na si Bella Poarch dahilan para agad na siyang alalayan ng mga nakaantabay na staff.

Ito ang tagpong ibinahagi ng Pinay sa kaniyang Instagram nitong Sabado, kasunod ng release ng isang fashion show para sa clothing brand na “Savage x Fenty” ng international pop star na si Rihanna.

“I’d fall for you anytime 💜 @badgalriri,” mababasa sa caption ng online global personality.

Sa iba pang video at mga larawan sa parehong IG post, glammed-up sa kaniyang fashion show get-up si Bella na parehong hinangaan at pinuri ng libu-libong Instagram followers.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Tila hindi naman masisi ng ilan ang pagkatapilok ng online star dahil maliban sa kaniyang suot na high heels, kapansin-pansin ang hindi konkreto at mabuhangin pang sahig kung saan kinunan at ginanap ang show.

Basahin: Bella Poarch, inamin ang tungkol sa kanyang divorce; mag-social media break daw muna – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman nakaligtas sa pangangantiyaw si Bella sa kapwa Pinoy at international star na si Bretman Rock.

“I just wanna be as strong as your ankles,” pilyong komento ni Bretman sa IG post ng kaibigan.

Todo-cheer naman ang tinaguriang “Ninang” at international fashion blogger na si Bryan Boy sa pagkadapa ng TikTok star.

“It’s all about getting back up! Love you,” mababasang comment nito sa parehong IG post.

Sa pag-uulat, nasa halos 700,000 na ang likes ng naturang IG post.