All-smile na ang aktres na si Barbie Imperial sa mga larawang ibinahagi kasunod ng isang beach trip kung saan iflinex din muli nito ang kaniyang body figure.
Matatandaang nananatiling tikom pa rin si Barbie kasunod ng viral at trending na pisikilan nila ni Vivamax talent Debbie Garcia sa isang bar kung saan nauwi pa nga sa demandahan.
Pagbabahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kamakailang YouTube vlog, bago ang naganap na pisikilan, matalik na magkaibigan, at kasosyo sa negosyo umano ang dalawa.
Nagkamalat lang umano ito matapos tila patusin ni Debbie ang dalawang naging dating karelasyon ni Barbie.
Nauna namang dinepensahan ng Viva artist ang sarili at iginiit na hindi niya ininsulto ang aktres dahilan para mauwi sa bayolenteng reaksyon si Barbe.
Samantala, wala pang nagsasalita muli sa magkabilang kampo kaugnay ng pag-usad ng mga kasong isinampa ni Debbie laban kay Barbie.
Gayunpaman, sigurado namang na-miss ng kaniyang masugid na followers si Barbie dahilan para tumabo na agad ang kaniyang Instagram post nitong Biyernes ng nasa mahigit 119,000 likes dalawampu’t isang oras lang ang nakalipas.