Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa₱214 milyong jackpot sa nakaraang draw ng Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag ng PCSO nitong Sabado, hindi nahulaan ang winning combination na18-35-50-46-19-45.

Nasa₱214,398,383.20 ang nakalaang premyo para sa nasabing lotto draw.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Kaugnay nito, wala ring nanalo sa halos₱11 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 sa isinagawang draw nitong Biyernes.

Ang winning combination nito ay08-21-26-02-41-01 na may katumbas na premyong₱10,995,681.40, ayon sa lotto.

Sinabi pa ngPCSO na binobola ang nasabing laro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.