Sa kalendaryo ng isang brand ng alak sunod na ibabandera ng beauty queen-actress ang kaniyang kasexyhan matapos opisyal na ipakilalang 2023 Calendar Girl nitong Huwebes.
Sa isang launch, suot ang daring red dress, very sexy si Kylie na humarap sa press ilang press people.
“Hi 2023 ❤️ Your new Tanduay Calendar girl 2023 🥃@tanduayrhumphmore to come,” mababasa sa Instagram post ni Kylie, Miyerkules.
“So happy to be part of the Tanduay family, 🥃” dagdag niya.
Ito na ang agad na sinundan at panibagong career milestone ng aktres matapos lang ang kaniyang makasaysayang pagkilala sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) bilang Philippine Best Actress kamakailan.
Paglalarawan ng brand, maituturing na isang “world-class showstopper” ang beauty queen.
Isang talent ng Viva Artist Agency, si Kylie ay nakilala bilang aktres sa mga materyal na The Housemaid, Love Lockdown, The Way U Lie, bukod sa iba pa.
Noong 2016, si Kylie ay kinorohan bilang ikaanim na Pinay Miss International titleholder.