Walang nanalo sa jackpot ng Super Lotto 6/49 draw na umabot sa halos ₱30 milyon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Partikular na binanggit ng PCSO ang winning combination na 12-41-30-39-19-33 na may katumbas na premyong ₱29,599,369.00.
Bukod dito, hindi ring tinamaan ang jackpot na ₱5,940,000.00 para sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi.
Hindi nahulaan ang winning number combination nito na 32-31-15-41-17-40.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang binobola naman ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado.