Pinayuhan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na "huwag nang guluhin ang usapin" matapos maglabas ng mga alegasyon laban sa una nitong Biyernes.
Isa aniyang "misguided sense of betrayal" ang naging aksyon ni Bantag kasunod ng paglantad nito matapos kasuhan sa umano'y pagkakasangkot sa pagpatay kay veteran journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa.
Nitong Biyernes ng umaga, nagpa-interview sa telebisyon si Bantag at hinamon si Remulla na magbitiw na sa puwesto dahil wala na umanong kredibilidad.
Nilinaw ng DOJ, maganda ang dating samahan ni Remulla at Bantag bago pa maganap ang pagpatay kay Lapid nitong nakaraang buwan.
Aniya, walang may gustongidawitsa kaso si Bantag.
Si Bantag ang itinuturo ng umano'y "middleman" na si Cristito Villamor Palaña o Jun Villamor, na nag-utos na patayin si Lapid, ayon kay self-confessed gunman Joel Escorial.
Gayunman, namatay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial.
Kaugnay nito, nanawagan si Remulla kay Bantag na magsumite na lang ng counter-affidavit.
Nitong Oktubre 3 ng gabi, pinagbabaril si Lapid habang minamaneho ang kanyang kotse sa labas ng BF Resort Village sa Las Piñas.