CABANATUAN CITY -- Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency-Nueva Ecija Provincial Office kasama ang lokal na pulisya ang tatlong drug suspects sa loob ng isang drug den sa Brgy. Lourdes ng siyudad na ito nitong Biyernes ng tanghali, Nobyembre 11.

Kinilala ang mga suspek na sina Vergel Ignacio, Joseph Lanticse, at Lea Lanticse.

Nakumpiska sa mga ito ang 15 gramo ng shabu sa loob ng pitong heat-sealed transparent plastic sachets na nagkakahalagang P102,000, assorted na drug paraphernalia, at buy-bust money.

Nangyari ang operasyon matapos makatanggap ng report ang PDEA mukla sa isang concerned citizen.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Kasalukuyang nahaharap ngayon ang mga suspek sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.