Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang No. 7 most wanted man ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (PPO) matapos tangkain nitong kumuha ng police clearance sa lungsod noong Huwebes, Nob. 10.
Ani Lt. Col Joseph Almaquer, QCPD Cubao Station (PS 7) commander, kinilala ang suspek na si Noveem Spark Bernardino Abdulmajid, 37, ang No. 7 Most Wanted Person ng Zambonga Sibugay, mula sa Silang, Cavite.
Sinabi ng pulisya na nag-apply ang suspek ng police clearance sa PS 7 bandang 5:30 ng hapon noong Huwebes. Gayunpaman, ang kanyang pangalan ay lumitaw na may rekord sa Philippine National Police E-Warrant System.
Si Abdulmajid ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Presidential Decree 532 o highway robbery na inisyu noong Hunyo 8, 2015 ni Presiding Judge Anthony D.T. Isaw, Certified Public Accountant (CPA) ng Ipil, Zamboanga Sibugay Regional Trail Court (RTC).
Samantala, mayroon ding 21 iba pang suspek na pinaghahanap dahil sa iba't ibang paglabag tulad ng iligal na droga, maltreatment, carnapping, robbery, attempted murder, pagmamaneho ng lasing, grave threats, at iba pa na inaresto ng iba't ibang istasyon ng QCPD police.
Ang court of origin ng mga warrant ay aabisuhan sa pag-aresto sa mga suspek, anang pulisya.
Pinuri ni QCPD Director Brig. Gen Nicolas Torre III ang kaniyang mga tauhan sa matagumpay na pagkatugis ng mga suspek.
Aaron Homer Dioquino