Nakatakdang bumisita sa China si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Enero 2023.

Paliwanag ng Malacañang nitong Biyernes, ang naturang state visit ay isasagawasa Enero 3 hanggang 5 o 6, sabi ng Office of the Press Secretary.

Sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, limang beses siyang bumisita sa China sa layuning tumatag ang relasyonng dalawang bansa.

Matatandaang nagsagawa ng war games ang China sa palibot ng Taiwan at sinabing bahagi ito ng kanilang teritoryo na ikinaalarma ng mga bansang nakapaligid sa South China Sea.

Sinasakop ng China ang halos kabuuan ng pinagtatalunang karagatan habang nagsanib ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei upang angkinin ang malaking bahagi nito.

Nauna nang sinabi ni Marcos na handa niyang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas at hindi siya papayag yurakan ng China ang maritime rights ng bansa.