Abot-abot ang pasasalamat ni Manay Lolit Solis kay Pangulong Bongbong Marcos nang magpadala ito ng bulaklak sa gitna ng kaniyang nagpapatuloy na dialysis.
Ito ang mababasa sa kaniyang Instagram update, gabi ng Biyernes.
“Talagang happy ako ng matanggap ko ang flowers mula kay Papa Bongbong Marcos ko, Salve. Love ako talaga ni Usec Honey Rose dahil talagang she made sure na nasa dialysis ako nang ihatid ang flowers from PBBM,” mababasa sa IG post ng talent manager.
Matatandaan ang nagpapatuloy na gamutan ng showbiz icon para sa komplikasyon sa kaniyang kidney organ.
Tila nagpalakas naman ng loob sa 75-anyos na si Manay Lolit ang munting regalo ng Pangulo.
“Bongga di ba, bigla feeling ko magaling na ako, hah hah kaya hindi mo ako masisisi bakit Solid Marcos ako noh ! Imagine mo, laking bagay para magkaruon ako ng hope sa sakit ko,” aniya.
“Love you PBBM, your fan forever,” pagtatapos ni Manay Lolit.
Kamakailan lang, matatandaang nagpahayag ng kaniyang positibong paghanga ang showbiz insider para sa Pangulo.
“Ang galing mag-speech ni PBBM. Kahit ambush o pinaghandaan interview maganda niya napapaliwanag ang mga bagay bagay,” aniya noon sa kamakailang hiwalay na IG post.
Basahin: Manay Lolit Solis, na-cute-an kay PBBM: ‘Hindi siya banidoso’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid