Sumosobra na raw si Liza Soberano kaya naman forda inggit na ang netizens matapos mamataan sa ilang social media posts ng aktres ang South Korea-based Canadian singer-producer na si Henry Lau.
Unang ikinawindang ng netizens ang TikTok post ng aktres kasama si Henry kung saan makikitang game na game ang dalawa sa isang patok na photo-taking craze sa naturang app.
“@iamhenry you were in every frame. Better luck next time!” pilyang caption ni Liza sa kaniyang TikTok post nitong Huwebes.
“[Yo]u needed to tell me the rules!!!!” maklit namang komento ni Henry.
Tumabo agad sa mahigit 2.4 million views ang TikTok video sa pag-uulat.
Tila namumuro naman ang aktres sa maraming Pinoy netizens.
Matapos kasing ma-meet din ang ilang K-pop stars kabilang na sina Got7 Bambam, iKON DK, at ang K-pop band na The Rose kamakailan, may panibago na namang interaction ang aktres sa isa pang global K-pop idol.
Nagsimula bilang miyembro ng Super Junior-M noong 2017, ang dating SM Entertainment artist ay kilala sa kaniyang mga ginawang self-produced music, at theme songs sa mga patok na Korean drama series.
Isa na rito ang “It’s You” na naging global hit matapos mapakinggan sa seryeng “While You Are Sleeping.”
Itinuturing ding “musical genius” si Henry dahil sa kaniyang abilidad sa iba’t ibang musical instruments kagaya ng komplikadong violin.
“Liza tama na umwi ka na pls,” nakakatawang komento ng isang netizen.
“Liza hindi ka pa ba uuwi?” sunod na segunda ng isa pa.
“Liza naman sumusobra ka na!”
“LIZA COLLECTING KPOP IDOLS LIKE POKEMON LMAO ?”
“Liza tama na, hakot award ka na! ?”
“How to be Liza Mee ggaaddd!”
“Liza so luckyyyy beeeeh si Henry yaaaan!!!”
“Uwi ka na liza! Tama na! ?”
Sa hiwalay pang TikTok dubbed video nitong Biyernes, makikita namang hinarana ng K-pop star ang aktres.
As usual, inulan ito ng komento ng ilang Pinoy netizens na naloka sa close interaction ng dalawa.
Hindi pa nagpapigil si Liza sa isa pang Instagram update nitong Biyernes kasama si Henry.
Kalakip ang dalawang serye ng larawan, ibinahagi ng aktres ang naging “TikToks and fun conversations” kasama ang Canadian music producer.
Agad na pumalo sa mahigit 260,000 like ang naturang IG post, mahigit limang oras lang matapos isapubliko.
Samantala, base sa kaniyang IG post, nasa Pilipinas si Liza para sa ilang partnerships, at brand commitments.