PAMPANGA -- Inaresto ng Regional Anti Cybercrime Unit 3 (RACU 3) ang isang construction worker matapos nitong iupload ang sex video ng kaniyang dating nobya.
Ayon sa ulat mula sa Philippine National Police Anti Cybercrime Group, kinilala ang suspek na si Jerome Villacorteza, na nakilala ang biktima sa isang Online Dating App na 'TIMO' nito lamang Hunyo 2022.
Nagkaroon ng mutual communication ang suspek at ang biktima matapos silang mag-match sa nasabing online app.
Pagkatapos ng palitan ng mensahe sa dating app, naging komportable sa isa't isa ang dalawa at kalauna'y nalipat ang kanilang usapan sa "WhatsApp" at nagkaroon ng sensual video call.
Lumabas sa ulat mula sa PNP-ACG na video call ng dalawa, kinunan ni Jerome ng screenshot ang biktima habang sila ay nagsasagawa ng sexual act online.
Noong Oktubre, nagpasya ang biktima na itigil na ang kanilang relasyon at blinock ang suspek sa dating app.
Nagalit ang suspek at kalauna'y pinalitan niya ang kaniyang profile picture sa dating app na may hindi magandang larawan ng biktima para makuha ang kaniyang atensyon.
Kasuno nito, inupload ni Jerome ang malaswang video ng biktima sa Party Group ng TIMO na nakita ng iba pang gumagamit ng app, sabi ng ACG.
Dahil dito, kinompronta na ng biktima ang suspek.
Nais ng suspek na makipag-meet up at makipagsex sa biktima kapalit ng pagtatanggal ng larawan at video. Humingi ng tulong sa awtoridad ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Naaresto ang suspek noong Nobyembre 7, sa isang hotel sa Mabalacat Pampanga.
Nahaharap ngayon si Villacorteza dahil sa paglabas sa RA 9262 (Violence Against Women and their Children) at RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism) na kapwa may kaugnayan sa Sec 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabalacat City Police Detention Facility ang suspek.