Gagamit na ng body camera ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) upang maiwasang maging kasabwat ng mga nakakulong na drug lord.

“Kasi meron akong i-implement ngayon na mass cam. Ang purpose is to guard the guardians. Sila ay may body cam hindi para bantayan ‘yung mga preso,” ayon kay BuCor acting director-general Gregorio Catapang.

“Binibigyan ko sila ng dahilan para hindi na mautusan ng mga drug lords, na maging accomplices," aniya.

Ito ay reaksyon ni Catapang matapos tanungin ng mga mamamahayag kung sangkot sa droga ang mga ibinalik niya sa trabaho.

National

Korte Suprema, kinilala 'Property Rights' ng same-sex relationships

Kamakailan, sinabi ni suspended BuCor chief Gerald Bantag na sinibak nito ang mga tauhang isinasangkot sa iligal na droga.

“Unang-una, ‘yung binalik ko sabi ko doon sa mag-i-issue ng order siguraduhin mo wala ‘yang pending case. Kapag malaman ko na may pending case ‘yan eh ako mismo angmag-o-order sa'yo na mawawala tiwala ko sayo,” sabi ng opisyal.

Nagsasagawa na rin aniya ng imbestigasyon ang BuCor kaugnay ng pagpapahintulot ng mga tauhan nito na maipasok ang kontrabando sa maximum security compound.

Kamakailan, aabot sa 7,500 beer na de-lata ang isinuko ng mga preso sa ikinasang inspeksyon ng mga awtoridad nasabing piitan.