CALAPAN CITY, Oriental Mindoro -- Iniulat ng Police Regional Office 4-B na nasa kabuuang 141 miyembro ng New People's Army ang sumuko sa rehiyon simula noong Enero.
Ang pinakahuling sumuko ay ang tatlong komunistang gerilya na kumikilos sa Occidental Mindoro.
Kinilala ni Brig. Gen. Sidney S. Hernia, PRO 4-B chief, ang mga rebelde na sina "Ka Efren," 62; "Ka Bato," 37; at "Ka Robert," 37; mga residente ng Magsaysay, Occidental Mindoro.
Sinabi ni Hernia na ang kanilang pagsuko noong Miyerkules, Nobyembre 9, ay pinangasiwaan ng iba't ibang yunit ng pulisya sa Mimaropa.
Ang mga sumuko ay kilalang miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya-Mark Anthony Velasco (KLG-MAV) sa ilalim ng Lucio de Guzman Command of the Sub-Regional Military Area (SRMA-4D), Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).
“The surrender of these former rebels is another concrete proof of the success of the government’s campaign against terrorism and insurgency under the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),” ani Hernia.
Pinoproseso na ngayon ng mga awtoridad ang kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program para makatanggap sila ng tulong sa gobyerno.
Jerry Alcayde