Hindi magtataas ng pasahe sa Light Rail Transit 1 (LRT-1) at LRT-2.

Ito ang paglilinaw ng LRT Authority nitong Huwebes sa gitna ng kumakalat na impormasyon na magsasagawa ng fare adjustment sa Disyembre ng taon.

“Walang pagbabago. Status quo tayo diyan. Hindi tayo mag-i-increase bukas, hindi tayo mag-i-increase next week, hindi tayo mag-i-increase next month," sabi ni LRTA administrator Hernando Cabrera sa isinagawang pulong balitaan.

"Lahat ito dadaan sa mahabang process at kailangan i-evaluate lahat, lahat ng factors pagdating sa usapin ng fare adjustment,” aniya.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nilinaw nito na ang naganap na mungkahing pagtataas ng pasahe sa isinagawang annual corporate planning ng LRTA kamakailan ay pagsasanay lang sa paghahanap ng paraang madagdagan ang subsidiya ng gobyerno sa pampublikong transportasyon.