Maglalaro na muli si naturalized player Ange Kouame sa Gilas Pilipinas na nakatakdang sumagupa sa Jordan sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Amman sa Biyernes.

Kasama na si Kouame sa lineup ng koponang hahawakan ni coach Chot Reyes matapos makarekober sa kanyang anterior cruciate ligament (ACL) injury.

Huling naglaro si Kouame sa Philippine team nitong February window ng World Cup Asia qualifier.

Kabilang sa magiging kakampi ni Kouame sina Adelaide 36ers 7'2" center Kai Sotto, Japeth Aguilar (Ginebra), Poy Erram (TNT Tropang Giga) at San-En NeoPhoenix guard Thirdy Ravena.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ang pito pang manlalaro na bumubuo sa 12 miyembro ng koponan ay sina CJ Perez (San Miguel), Jamie Malonzo at Scottie Thompson (Ginebra), Calvin Oftana at Roger Pogoy (TNT), Japan-based professionals Ray Parks (Nagoya) at Dwight Ramos (Levanga), at De La Salle rookie Kevin Quiambao.

Nakatakdang sagupain ng Gilas ang Jordan sa Prince Hamza Hall sa Amman sa Biyernes ng madaling araw.

Tangan ng Gilas ang 3-3 record sa Group E.