Inanunsyo ng Arab–Israeli vlogger at founder ng "Nas Academy" na si Nas Daily na magkakaroon siya ng "meet-and-greet" event sa kaniyang mga tagahanga, na gaganapin sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City sa darating na weekend.

"Hello from Manila!!"

"I want to meet all of you in person! I'm hosting my biggest ever meetup. And you're invited. It's going to be at New Frontier Theater this weekend!!" paanyaya ni Nas Daily sa kaniyang post sa verified Facebook account.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Marami naman ang natuwa sa kaniyang meet-and-greet.

Matatandaang naging kontorbersiyal si Nas Daily kaugnay ng kaniyang mga masterclass, lalo na ang Whang-Od Academy.

Ayon sa burado nang public post ni Gracia Palicas, apo ni Whang-Od, bagama't kinikilala nila ang magandang hangarin ni Nas Daily na ibahagi ang kanilang kultura sa mga susunod na henerasyon, suliranin din nila ang ilang may interes pagsamantalahan ang mayamang kultura at sining.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/04/paratang-ng-apo-ni-whang-od-scam-ang-masterclass-ni-nas-daily/">https://balita.net.ph/2021/08/04/paratang-ng-apo-ni-whang-od-scam-ang-masterclass-ni-nas-daily/

Bukod sa kaniya, nagsalita rin laban sa kaniya ang ama ng United Nations Environment Programme (UNEP) awardee Louise Mabulo at Alkalde ng San Fernando, Camarines Sur na si Fermin Mabulo laban kay Nas Daily.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/06/alkalde-ng-san-fernando-camsur-nagsalita-laban-kay-nas-daily/">https://balita.net.ph/2021/08/06/alkalde-ng-san-fernando-camsur-nagsalita-laban-kay-nas-daily/

Hindi rin nagpatahimik ang Pinoy vlogger na si "Lost Juan" at nagbigay ng kaniyang pahayag laban kay Nas.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/08/pinoy-vlogger-lost-juan-kay-nas-daily-hindi-ko-sinasabing-ginamit-lang-ako-pero-parang-ganun-na-nga/">https://balita.net.ph/2021/08/08/pinoy-vlogger-lost-juan-kay-nas-daily-hindi-ko-sinasabing-ginamit-lang-ako-pero-parang-ganun-na-nga/

Dahil dito, pansamantalang nahinto ang Nas Academy.

Matapos maayos ang mga hamon ay muling nagbukas sa publiko ang Nas Academy gayundin si Nas Daily.