Parehong makatatanggap ng parangal ang mga direktor na sina Darryl Yap ng "Maid in Malacañang" at Atty. Vince Tañada ng pelikulang "Katips" na nagkatapat noong Agosto sa mga sinehan.

“Most Remarkable Director of the Year” si Yap at si Tañada naman ang “Most Outstanding Director of the Year” ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022, batay sa kanilang opisyal na Facebook page.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Tanong tuloy ng mga netizen, pupunta kaya sila sa awarding ceremony at nang magkaharap na silang dalawa? Matatandaang nagpatutsadahan ang dalawa dahil ang MiM ay nagtatampok sa buhay ng pamilya Marcos ilang araw bago sila mapatalsik sa Palasyo noong EDSA Revolution, at ang Katips naman ay tumalakay sa ilang mga umano'y inhustisya sa panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Samantala, wala pang tugon ang dalawang direktor sa naturang parangal na matatanggap nila.