Parehong makatatanggap ng parangal ang dating magkatapat na sina "Darna" at "Lolong" sa Gawad Dangal Filipino Awards 2022, ayon sa kanilang opisyal na Facebook page.

Matatandaang ang pumalit sa tinaguriang "longest-running teleserye" sa Pilipinas na "FPJ's Ang Probinsyano" ni Coco Martin ay ang "Mars Ravelo's Darna The TV Series" ni Jane De Leon.

Naging katapat nito ang fantaserye naman ng GMA Network---ang "Lolong" ni Ruru Madrid.

Ngayon, sila ang tinaguriang "Outstanding Fantaserye Queen of the Year" at "Outstanding Fantaserye King of the Year".

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hindi ito ang unang beses na magkakasama sa isang event sina Jane De Leon at Ruru Madrid. Matatandaang nagkasama na sila sa isang event sa Bataan na pinagmulan pa ng isyu, dahil "nagmaldita" raw si Darna star.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/darlong-darna-at-lolong-maghaharap-shini-ship-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/10/01/darlong-darna-at-lolong-maghaharap-shini-ship-ng-netizens/

Ngunit pinabulaanan naman ito ng mismong event organizer dahil hindi raw totoong nagmeldi o nag-feeling diva si Jane.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/15/nag-inarte-organizer-ng-event-sa-bataan-nagsalita-na-tungkol-pagpapa-diva-raw-ni-jane-de-leon/">https://balita.net.ph/2022/10/15/nag-inarte-organizer-ng-event-sa-bataan-nagsalita-na-tungkol-pagpapa-diva-raw-ni-jane-de-leon/