Naglabas ng saloobin si human rights lawyer Chel Diokno hinggil sa isinusulong na Heterosexual Act o House Bill No. 5717 ni Manila 6th district Representative Bienvenido Abante, Jr.
"The proposed Heterosexual Act only serves to legitimize the very real oppression experienced by LGBTQIA Filipinos now," saad ni Diokno sa kaniyang Twitter account nitong Miyerkules, Nobyembre 9.
Ayon pa kay Diokno, nagbubulag-bulagan daw ang bill na ito sa araw-araw na nararanasan ng mga tao dahil sa kanilang sexual orientation.
"Ang bill na ito ay nagbubulag-bulagan sa mga naranasang araw araw na tinatanggihan ng serbisyo o tinatanggalan ng oportunidad sa eduksyon at trabaho dahil lang sa kanilang sexual orientation o gender identity/expression," aniya.
"Ginagawa nitong legal ang pagkait ng dignidad ng ibang tao. Anuman ang ating pinaniniwalaan, magkakasundo naman siguro tayong mali ito. Imbis nitong bill, dapat isabatas na ang SOGIE Law," dagdag pa niya.
Ang naturang house bill 5717, na may pamagat na “An Act recognizing, defining, and protecting the rights of heterosexuals and for other purpose” ay magsusulong naman umano ng mga karapatan ng heterosexuals, sa kabila ng pagsusulong naman sa mga karapatan at proteksiyon ng LGBTQIA+ community. Tatawagin din itong “The Heterosexual Act of 2022."
“While we welcome interest in HB [House Bill] 5717, it is our hope that attention to the other priority measures and advocacies of Rep. Abante is also given, especially those that will have a tremendous impact on the lives of the Filipino people,” ayon sa tanggapan ni Abante sa isang pahayag noong Miyerkules ng hapon, Nobyembre 9.
BASAHIN ANG BUONG ULAT: https://balita.net.ph/2022/11/10/pastor-solon-nagsulong-ng-house-bill-para-sa-heterosexuals/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/10/pastor-solon-nagsulong-ng-house-bill-para-sa-heterosexuals/