Umaasa ang abogado ng komedyante at television host na si Vhong Navarro na makapagpiyansaang kliyente nito kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Atty. Alma Mallonga na tapos na ang pagdinig nitong Huwebes sa iniharapna petisyong makapagpiyansa ang nasabing komedyante.

Hindi humarap nang personal si Navarro sa nasabing huling pagdinig matapos payagang dadalo na lang sa pamamagitan ng video conferencing.

"We did our best. We did everything that was necessary in our belief to show the truth and the truth is that Vhong from our perspective is entitled to bail," ayon sa abogado ni Navarro.

Eleksyon

Mensahe ni Senator-elect Camille Villar kay VP Sara: 'Walang iwanan!'

Kumpiyansa si Mallonga na makakapag-Pasko si Navarro, kapiling ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Mallonga, dumating sa pagdinig si Cornejo naisinailalim niya sa cross examination.

Kasama ni Cornejo na dumalo sa hearing ang abogado niyang siAtty. Howard Calleja.

Si Navarro ay kasalukuyang sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center dahil sa nasabing kaso.

Gayunman, tiniyak nito na nasa mabuting kalagayan ang kanyang kliyente

Idinagdag pa ni Mallonga na "submitted for resolution" na ang usapin sa Lunes.

Matatandaang inakusahan ni Cornejo si Navarro na gumahasa umano sa kanya sa condo unit nito sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Enero 17, 2014.