Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) ang dumagsang halos 2 milyong turista sa bansa ngayong 2022.
Sinabi ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, nalagpasan ng nasabing bilang ang kanilang pagtayang 1.7 milyong turistang dadagsa hanggang sa huling bahagi ng 2022.
Patuloy din aniyang kinikilala ang mga tourist destinations ng bansa kaya dinadagsa ito ng mga turista.
“The Philippines recently made it to the Conde Nast’s 40 most beautiful countries in the world. Travel and Leisure Magazine also awarded the Philippines with three of the 25 best islands in the world, namely Boracay, Palawan and Cebu,”pahayag ni Frasco sa isang panayam sa telebisyon.
Pinaplano na rin ng ahensya na gawing tourism powerhouse ng Asya ang bansa kaya isinusulong na ang pagdadagdagng international flights patungong Pilipinas, pagkukumpini ng mga airport, daungan at kalsada.