Seryoso man ang nangyaring insidente ng panunugod at pananapak ni John Amores ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa dalawang teammates ng kalabang College of Saint Benilde Blazers na sina Jimboy Pasturan at Taine Davis, tila nagsilbing "bloopers" naman dito ang naispatang mukha ni Kuya Kim Atienza sa advertisement ng morning game show nilang "TiktoClock" nina Pokwang at Rabiya Mateo sa GMA Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/basketball-mistulang-nauwi-sa-boksing-dahil-kay-john-amores/">https://balita.net.ph/2022/11/09/basketball-mistulang-nauwi-sa-boksing-dahil-kay-john-amores/

Habang sinusundan kasi ang mga eksena ni Amores ay kapansin-pansin ang nakatawang mukha ni Kuya Kim sa background, na pabirong sey ng mga netizen, ay tila nagkataon naman at pinagtatawanan ang mga ganap.

Naispatan din ang nakangiting mukha ni Rabiya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang "Erick Francisco Cordona" sa Facebook nito.

"Tuwang-tuwa ka naman sa nangyari Kuya Kim wag ganon AHAHAHAHAHHA," caption nito kalakip ang screengrab kung saan makikita ang mukha ni Kuya Kim.

Nakarating naman ito sa kaalaman ng TV host at ni-reshare.

"Hahaha natawa ako," caption ni Kuya Kim.

Sa comment section ng mismong FB post ay nagpa-survey pa si Kuya Kim.

"Ban o di dapat i-ban si Amores? Survey nga tayo? Back to you guys."

Hindi ito ang unang beses na nanapak si Amores. Bago ang insidenteng ito, napatikim niya ng kamao si Mark Gil Belmonte ng koponan ng University of the Philippines.

Kaya naman, marami sa mga netizen ang nagpapahayag ng kanilang saloobin na huwag nang payagang paglaruin si Amores sa mga susunod pang games.

Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NCAA Management Committee hinggil sa naturang insidente. Ngayong Nobyembre 9, Miyerkules, nagdesisyon na ang NCAA Committee na patawan ng indefinite suspension si Amores sa paglalaro dahil sa insidente ng pananapak.