Magpapatupad ang Manila Electric Co. (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Sa anunsiyo ng Meralco nitong Miyerkules, nabatid na aabot sa P0.0844 kada kilowatt hour (kWh) ang magiging taas-singil sa kuryente.

Dahil dito, ang overall rate ay tataas sa P9.9472/kWh ngayong buwan mula sa dating P9.8628/kWh lamang noong Oktubre.

Anang Meralco, ang bahagyang pagtaas ng overall rate ay dahil sa pagtaas ng generation charge ng P0.0725/kWh o naging P6.9917/kWh mula sa dating P6.9192/kWh.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

Nangangahulugan ito nang dagdag na P16.80 sa November bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan; P25.20 naman sa kumukonsumo ng 300kwh kada buwan; P33.60 sa nakakagamit ng 400kwh kada buwan at P42.00 naman para sa nakakagamit ng 500kwh kada buwan.