Humihingi ng suporta mula sa gobyerno ang actor-politician na si Senador Jinggoy Estrada para sa "naghihingalong" film industry sa Pilipinas.
Sa naganap na plenary session nitong Martes, Nobyembre 8, inilahad ni Estrada ang isyu tungkol sa umano'y naghihingalong film industry dito sa bansa.
"For this year, only nine (9) local movies have been released, according to theater group operators. Nine out of the 20 Filipino films reviewed by the Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB since January this year," saad ng senador sa kaniyang privilege speech.
"Nakapanlulumong isipin na may panahon na umaabot sa tatlong daan ang napo-produce na pelikula kada taon. Now, it's not even a fraction," dagdag pa niya.
Sabi pa ng senador ang pagpo-produce ng mga "quality films" ay nagre-require ng budget na umaabot sa halagang P10 milyon hanggang P30 milyonayon kayFDCP chairperson and CEO Tirso Cruz III.
Dahil dito, dapat daw ikonsidera ng gobyerno ang pag-aalis ng buwis kagaya ng amusement tax, value-added tax, at distribution fee.
"Paano ba natin matutulungan ang naghihingalong industriya? Kailangan ba nating i-subsidize ang paggawa ng mga pelikula? How will we do it? Should we give incentives to the movie producers or review the current tax structure?" saad ni Estrada.
"Naniniwala ako na hindi malaking kawalan ito sa kita ng gobyerno. Sakali man na tanggalin ito, maaari natin ito na mabawi dahil kung mapapasigla natin ang entertainment industry, lalaki ang labor force at lalago ang industriya na maaaring mapagkunan ng mga tinatawag na recoupment tax gaya ng business tax or business permit para sa mga local governments, corporate income tax ng mga bagong korporasyon, withholding tax sa mga manggagawa sa industriya at lalago ang consumption tax o VAT," aniya pa.
Aminado rin ang actor-politician na kailangan ng industriya ng suporta mula sa gobyerno.
"One good thing that came out of this issue is that it has paved the way for the discussion on the matters concerning the Philippine entertainment industry. Our ailing film industry needs all the support not only from the government but more so from the movie-going public.
"It's probably high time for the government to consider the idea of providing government subsidy to film industry just like what the investments made by the South Korea's Ministry of Culture, Sports and Tourism to fund a five-year plan (2015-2019) for their domestic animation and character industries. It provided support to start-up operations through a new state facility and automatic subsidies to established animation studios based on the performance of their earlier projects."Government should encourage the promotion of Filipino culture/cuisine, tourism and heritage as part of the content; create or provide scholarships, workshops for scriptwriters, production personnel, musicians to strive for excellence in this field/industry; and provide tax breaks or lower taxes on the industry to incentivize the local entertainment industry."
Sa pagtatapos ng kaniyang privilege speech, nilinaw ni Estrada na hindi siya nagpapabida sa isyu tungkol sa pelikulang Pilipino.
"Hindi po ako nagpapakabayani, o nagpapabida sa isyung ito. Bagkus, ang tanging hangad ko lamang ay mapanatili at mapalawak pa ang mga oportunidad sa industriyang nanatiling malapit sa akin at patuloy ko na pinapahalagahan hanggang sa ngayon.
Maraming salamat sa inyong pakikinig at mabuhay ang pelikulang Pilipino!"
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang naunang pahayag ni Estrada hinggil sa pagba-ban ng Korean dramas sa bansa.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/