SIGN MO NA PARA TUMAYA!

Inaasahang aabot na sa mahigit₱215 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Biyernes ng gabi, Nobyembre 11.

Sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na walang pinalad na makahula sa six-digit winning combination na 18-05-49-02-53-48 ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Martes ng gabi.

Dahil dito, madaragdagan pa ang hindi naiuwing katumbas nitong jackpot prize na₱203,672,278.80

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Mayroon namang pitong mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na bobolahin ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 10, ay nasa P28 milyon na habang balik naman sa₱5.9 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 matapos na mapanalunan ang papremyo nito sa katatapos na Tuesday draw.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.