Namangha ang mga netizen sa mga litratong ibinalandra ng batikang aktres na si Jackie Lou Blanco na nagpapakita ng kaniyang kaseksihan.

Batay sa kaniyang mga litrato sa Instagram post noong Nobyembre 7 ay nasa isang beach si "Sandra Yoon" at nakabakasyon.

"Mag pose ala 'Baywatch' daw," aniya sa caption.

"1st photo: Kaya pa."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"2nd: In action naman!"

"3rd: Di ko na kaya, tawang tawa na ako."

"Kidding aside, so happy I got to rest and relax this weekend, this was just so much fun! Just the way I always like it," giit pa ng isa sa mga cast member ng "Start-Up PH".

Ilan sa celebrity friends na nagpahayag ng kanilang paghanga rito ay sina Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Maricel Laxa-Pangilinan, at iba pang mga netizen.

Si Jackie Lou ay 58 anyos na.