Hindi kaagad na maipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang kautusang singilin ng ₱22.64 bilyong generation cost ang mga consumer nito.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Meralco vice president, head of utility economics Lawrence Fernandez,hinihintay pa ng kumpanya ang direktiba mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago nila ipatupad ang desisyon ng Supreme Court (SC).

Nitong Hulyo, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng ERC noong 2013 na nag-aapruba sa kahilingan ng Meralco na singilin ng utay-utay ang₱22.64 bilyon generation cost sa kanilang consumers.'

“Sa ngayon wala pa kaming nakitang timing kung kailan siya mai-implement. Magdedepende kami sa guidance ng ERC dahil nga it will affect not only Meralco but all DUs (distribution utilities) and (ECs) electric cooperatives in the Luzon grid," paliwanag pa ni Fernandez.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'