Nilinaw na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang viral na interaksyon nila ni JKN Global Media Public Company Limited CEO Anne Jakrajutatip noong Lunes.

Kasunod ng Miss Universe Extravaganza sa Thailand, pinag-usapan online ang paghaharap ng Pinay Miss Universe at bagong may-ari ng prestihiyusong pageant brand.

Vic Sotto sa pagsampa niya ng cyberlibel vs Darryl Yap: ‘Ako ay laban sa mga iresponsableng tao’

Basahin: Anne Jakrajutatip, ang Thai multi-billionaire transwoman at bagong may-ari ng Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2020, bagaman nilinaw na kapatid ang naging turingan, nasangkot noon ang bagong may-ari ng Miss Universe sa umano’y romantic relationship kay Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Catriona.

Kaya naman instant chismis agad online ang paghaharap ng dalawa. Umani pa ng nakakatawang mga dub online, at kaniya-kaniyang hula ang netizens ukol sa naging pag-uusap ng dalawa sa naturang video.

Makikita pang ilang segundo ring nagpalitan ng salita at beso sina Cat at Anne.

Paglilinaw naman ng 2018 titleholder, walang naging komprontasyon sa kanilang paghaharap ng JKN CEO.

Ani Cat, positibo umano ang naging usapan nila ni Anne.

“[She said] that it was lovely to have me here in Thailand; that she looks forward to working with me soon. She’s been very very kind to each and every one of us and we’ve all been well-taken care of,” sey ni Cat sa panayam ni MJ Felipe, nitong Martes.

Pag-amin ni Cat, ikinaaliw na lang din niya ang agad na kumalat na mga dubbed video.

“Best in humor talaga tayo,” sey ni Cat.

Samantala, kasama rin ni Cat sa event ang kapwa queen sisters na sinaa Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2020 Andrea Meza, Miss Universe 2011 Leila Lopez, at Miss Universe 2005 Nathalie Glebova.