Sa isang pambihirang pagkakataon, nakapanayam at napanuod sa YouTube channel ni Luis Manzano si Kapuso star Carla Abellana.

Highlight nga sa panayam ang mga natutunan ng aktres sa ilang mga kinaharap na kontrobersya.

Matatandaan ang pinag-usapang hiwalayan ni Carla at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez ngayong lang taon.

“We will never know kung ano ang mangyayari. We may make plans, see everything, sometimes life just hits you. Hindi mo talaga alam what will happen tomorrow. What you have is just today,” pagbabahagi ng aktres sa natutunan sa kaniyang karanasan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“No matter how everything is organized or laid out, there are times na unpredictable ang buhay,” dagdag ni Carla.

Matatandaang naging malimit ang pahayag ng Kapuso star at inabot pa ng ilang buwan bag tuluyang nagsalita ukol sa isyu nila ng dating asawa.

Sa naranasang low point, ang malinaw na aral na iniwan sa kaniya nito ang maging kasangga ang sarili sa anumang pinagdadaanan sa buhay.

“You have only yourself to help you. I’m not saying naman na we’re all alone. ‘Yung parang there are times you can only depend on yourself. ‘Yung sarili mo ‘yung tutulong sa sarili mo,” ani Carla.

Sa pagtatapos ng panayam, bagaman hindi aniya siya karapat-dapat pa na magbahagi ng saloobin sa buhay ng iba, may nais iwan si Carla sa mga may nakararanas ng kaniyang pinagdaanan.

“One day at a time. Wala tayong magagawa, that’s part of life. Hindi laging masaya. Hindi laging tumatawa o nakangiti. Whether you are alone in life or with somebody, a complete family, may times na things happen na ganon talaga. Wala tayong magagawa kundi tanggapin yun. There are certain things and people we cannot change. Siguro yung how you react to it na lang,” ani Carla.

“It’s just a matter of how you live out those moments. How you react to those moments,” dagdag ni Carla.

“As long as you don’t give up on yourself,” pagtatapos ni Carla.

Umabot na sa mahigit 960,000 views ang naturang panayam ng aktres sa pag-uulat.

&t=1249s